Sunday, September 6, 2015

I LOVE YOU JESUS



My Devotion


SCRIPTURE

Juan 14:23-24


Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.


OBSERVATION

Kung iniibig natin si Jesus, kailangan natin tuparin ang mga kanyang sinasalita ng Ama na para sila ay mapasa atin at tumahan sa atin. Ngunit ang hindi umiibig kay Jesus ay hindi rin niya iniibig ang Amang Dios


APPLICATION

Susundin natin ang mga salita ni Jesus. Ibigin natin ang kapwa natin. Ingatan na huwag tayong magkasala. Mamuhay ng banal


PRAYER

Amang Dios na makapangyarihan sa lahat, ako po ay inyong tulungan na magawa ang kalooban niyo at maging kalugud-lugud sa inyo, Ingatan niyo po ako na hindi matukso sa mga bagay na magpapahina sa akin. Sa pangalan ng aming tagapagligtas na si Jesus Christ. Amen

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...