Wednesday, September 9, 2015

FAR EAST = PHILIPPINES







Totoo ba na ang Far East o Silanganan ay Pilipinas ayon sa Biblia? 

Si Felix Manalo ba ang katuparan sa hula sa Isaiah 43:5-6?



Ayon sa doktrina ng Iglesia ni Cristo kay Felix Manalo, si Felix Manalo ang katuparan sa hula at kanya raw dadalhin ang mga lahing Pilipino sa Pilipinas sa Isaiah 43:5-6 at ganito ang ating mababasa.

Isaiah 43:5-6

"
Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;
Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;

Paano naging siya ang tinutukoy sa Isaiah 43:5-6? Ito ang kanilang paliwanag ng mga pastor at ministro sa kanya.

Isaiah 43:5-6

"
Huwag kang matakot (natatakot si Felix Manalo kaya't siya ay nagkulong ng tatlong araw at tatlong gabi), sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan (ang mga lahi na kanyang dadalhin mula sa silanganan ay ang mga Pilipino at ang tinutukoy niyang silanganan ay Pilipinas), at pipisanin kita mula sa kalunuran;
Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;


ATING SURIIN MABUTI ANG TALATA SA ISAIAH CHAPTER 43


Ang pagbabasa ng Biblia ay hindi kinakailangan ng OUT OF CONTEXT o yung mga tagpi-tagping talata at ipagdudugtong mo hanggang makabuo ka ng mga salita dahil dito mag-iiba ang mga kahulugan. Halimbawa na lang sa ginawa ni Felix Manalo na dapat ay hindi maaari na mag-uumpisa kang basahin ang chapter 43:5-6 ng Isaiah kung hindi mo pa alam kung ano ang nilalaman ng Isaiah chapter 43:1. Ang nilalaman ng bawat talata ay kailangan magkasunod na basahin para hindi ka malito at kailangan magumpisa ka sa verse 1

Dahil nag-umpisa silang basahin ang verse 5 at 6 na tinutukoy na si Felix Manalo ang katuparan sa hula. Basahin natin ang verse 1 kung siya pa rin ang kinakausap ng Dios

Isaiah 43:1

"Nguni't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, sapagka't tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin"

Maliwanag sa sikat ng araw na si JACOB ang kinausap ng Dios dahil siya ay natatakot at ang silanganan na tinutukoy ay ISRAEL. Kahit kinder ang ipa-assignment mo kung sino ang kinausap ng Dios sa Isaiah 43:1-6, malamang sasagotin ka nila na si Jacob ang kinausap dahil siya ay natatakot  at hindi si Felix Manalo pero alang sinabi dyan na kaya natatakot si Jacob ay nagkulong din siya ng tatlong araw at tatlong gabi sa kwarto.

Alam natin na ang Earth ay bilog kahit ito pa ay natuklasan na ni Ferdinand Magellan at may taong nakaakyat na sa buwan. Napakabobo naman kung maniniwala ka na may wakas ang mundo. Bilog ang ating mundo at ito ay walang kawakasan dahil paikot-ikot ka lang kahit saan ka man magtungo. Ang tinutukoy na silanganan o Far East ay ang bansang Israel dahil maraming talata sa Biblia na ang tawag sa Israel ay Silangan.

AYON SA KANILANG PASUGO


Makikita mo na ang laki ng pagkakaiba sa kanilang PASUGO na kung bakit kontra ang pinangangaral ng mga pastor at ministro ni Felix Manalo. Aaminin ko rin sa iyo na nakakalito nga talaga kung alin dyan sa sinabi ng PASUGO ang totoo at paniniwalaan mo. Dahil may Biblia tayo na gabay ng ating pananampalataya, suriin natin ito at ating liwanagin sa paraan na hindi OUT OF CONTEXT


Sino ngayon ang nagsasabi ng totoo? kung bakit magkakontra ang paliwanag nila sa PASUGO.





LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...